
Nasa level 2 na ang public health emergency sa Hubei province sa China, matapos itong makapagtala ng aabot sa 440 kaso ng coronavirus-related pneumonia, ayon sa People’s Daily, ang opisyal na pahayagan ng Central Committee of the Communist Party of China.
Sa Pilipinas naman, 17 na ang patay sa China sanhi ng isang coronavirus at ngayon ay kumakalat na sa iba’t ibang panig ng daigdig, ang kumakalat na sakit ay nagmula sa lungsod ng Wuhan.
Para maiwasan ang pagkalat ng virus, ipinag-utos na ng mga awtoridad sa Wuhan ang pagsusuot ng face mask lalo na sa mga pampublikong lugar.

One reply on “Iba’t ibang bansa nakaalerto para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus mula China”
nice info!!
LikeLike