
Dahil sa paghupa ng kaso ng African Swine Fever ( ASF ) tumaas ang presyo ng karneng baboy mula sa mga local farmer kung kaya nagmahal din ang bentahan nito sa mga pamilihan.
Tumaas nang P2 hanggang P5 ang kada kilong presyo ng baboy mula sa local farmers. Kaya ang presyo ng baboy sa ilang pamilihan, nagtaas na rin nang hanggang P20 kada kilo.
Kung dati ay 200 lamang kilo ng baboy, ngayong ay umakyat ito ng 220 hanggang 230 lada kilo.
Ayon sa mga nagtitinda ng baboy, nakaapekto ang mainit na panahon sa mga baboy. Nakadagdag pa ang pagkamatay ng mga baboy noong laganap pa ang ASF kung saan namamatay ang mga baboy kung kayat nagkukulang ang mga suplay na naging sanhi ng pagtaas ng presyo.

